Estudyantipid tips ngayong Kapaskuhan

BY JEM ECLARINAL | December 19, 2018

Pasko na naman at taon taon sing tiyak na ng simbang gabi at mga batang nanga-ngarolling ang kabi-kabilaang pagbili ng mga panghanda at regalo para sa mga taong mahalaga sa ating buhay. Ngunit minsan may posibilidad na madala tayong mga mamimili at mapa-sobra sa paggastos. Pero ‘wag mangamba dahil mayroong ilang payo si Marla at Jordan mula sa Estudyantipid.

Isa sa mga nai-payo ni Marla kay Jordan na maaring magamit ngayong kapaskuhan ang pag-iimpok. Ayon sa kanya mahalaga paminsan-minsan na impokin na lamang ang pera upang may mahugot sa mga susunod na araw o sa kaso ngayong kapaskuhan, sa Bagong taon.

Pero kung hindi naman talaga maiwasan ang paggastos mahalaga rin daw na maging matalino sa pamimili at kuhain lamang ang mga produktong kailangan. Dagdag pa ni Marla at Jordan makakatulong ang pagdadala at pagsunod listahan na naglalaman ng mga ipapamimili katulad ng noong mamili sila ng mga gamit pang-eskwela.

Dagdag pa mag-bestfriend, mainam na maging ugali na ang pagsuri ng mabuti sa mga produkto, patalastas at anunsyo upang makilatis na mabuti ang tunay na nitong halaga. Makakatulong din daw ang pagiging masuri upang mapansin agad ang mga produktong may sira o depekto at posibleng makasama sa kalusugan nating mga mamimili.

WATCH: New episodes of Estudyantipid now on YouTube


Bukod sa pagi-impok at tamang pag-gastos mahalaga rin na umikot ang pera ngayong Pasko. Ayon kay Marla at Jordan dapat maglaan ng pera para sa investments upang bumalik ang pera ngayong kapaskuhan. Ang isang paraan para gawin ito ngayong kapaskuhan ay ang pagsamasamahin ng pamaskong natanggap at ilaan ito sa maliit na negosyo katulad ng pagtatayo ni Marla at Jordan ng isang garage sale mula sa pinagsamasama nilang pera.

Higit sa lahat dapat din daw na iwasan ang pagpa-panic buying o labis na pamimili dahil sa mababang presyo o takot na maubusan. Usong-uso ang ganitong mga pangyayari ngayong Pasko dahil sa dami ng mamimili at kabi-kabilaang Christmas sale na ume-enganyo sa mamimili na gumastos ng gumastos.

Ayon kay Marla at Jordan, sa huli isa lang ang dapat isipin kung mapapadaan sa harapan ng mga tindahan ngayong pasko; dumikit sa kaya ng nakalaang budget at palaguin ito kung may pagkakataon, isaalang-alang ito at tiyak na makakarating sa Bagong Taon na hindi lang masaya kung hindi masagana pa!

Para mas lalong makatipid abangan ang iba pang payong pampabigat ng bulsa mula kay Marla at Jordan sa Estudyantipid.

Previous
Previous

10 Kaalaman ngayong Kapaskuhan

Next
Next

How the problem of teaching 90 students inspired an award-winning project