Ipagdiwang ang Ating Wika Ngayong Agosto!
Ipinagtitibay ng Prokalamasyong Blg. 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto.
Pinangangunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang na ito kasama ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno at ahensiya. Ang tema sa taong ito ay “Filipino: Wika ng Saliksik.”
Katuwang ang Knowledge Channel sa pagyabong at pagtangkilik sa ating sariling wika. Laliman at dagdagan ang inyong kaalaman sa wikang Filipino! Narito ang 8 salitang maari mong idagdag is iyong bokabularyo.
Sapantaha – akala o palagay
Parola – lighthouse
Sipnayan – Math
Agham – Science
Salipawpaw – eroplano
Batubalani – magnet
Buntala – planeta o cometa
Kalupi – wallet o lalagyan ng pera