Ang saya matuto kasama ang kabataang Batangueño!
Nanguna ang Knowledge Channel Foundation (KCFI) sa mga natatanging partners ng Department of Education - Schools Division Office of Batangas Province na binigyang pagkilala kamakailan.
Sa ginanap na ika-6 na Kabataang Batangueño Tangkilikin o Ka-BaTang Education Partners Recognition Rites, na may temang "Building Resilience through Stakeholder Partnership," tinanggap ni Knowledge Channel Foundation Vice President Edric Calma ang Plake ng Pagkilala mula kay Schools Division Superintendent Dr. Marites A. Ibañez, DepEd - Lobo, Batangas Sub-Office Public Schools District Supervisor Julita Ilagan, at School Governance Operations Division Chief Mario Maramot.
Noong 2021, kasama ang Education Cluster members ng Lopez group, ang Knowledge Channel Foundation ay nag-conduct ng Learning Effectively through Enhanced and Evidenced-Based Pedagogies o LEEP para sa mga science teachers ng Lobo at nagbigay ng mga kopya ng video lessons para sa pag-aaral at pagtuturo ng science na nakapaloob sa Knowledge Channel Portable Media Library (KC PML). Hanggang ngayon, patuloy pa ring mine-mentor ng KCFI ang mga participant-science teachers.
Pero di lang sa Lobo tumulong ang KCFI. Nitong simula ng 2023, binigyan din ng LEEP at Knowledge Channel Portable Media Library ang mga guro at principals sa Calaca, Batangas.
Para makarating ang training program at videos ng Knowledge Channel sa mga paaralang higit na nangangailangan, mag-donate sa Knowledge Channel Foundation sa pamamagitan ng pag-dedeposito sa BPI Account Number 0201-0409-14. Mag-email sa info@knowledgechannel.org, i-attach ang kopya ng proof of deposit, at sabihin kung para saang eskwelahan ang idinonate na training at KC PML donation.