EduKalidad sa Kalamidad FAQs

Ano ang EduKalidad sa Kalamidad?
(What is EduKalidad sa Kalamidad?)

Ang EduKalidad sa Kalamidad ay isang emergency education program ng Department of Education (DepEd) at Knowledge Channel Foundation para masigurong tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga bata sa panahon ng krisis o kalamidad.

Alinsunod ito sa Sulong EduKalidad ng DepEd para i-angat ang kalidad ng basic education delivery sa bansa.

Sinimulan ang EduKalidad noong January 2020 bilang tugon sa Taal eruption at ngayo’y ipinagpapatuloy upang umagapay sa mga kabataang apektado ng COVID-19 Enhanced Community Quarantine sa Luzon at sa iba pang lugar.

EduKalidad sa Kalamidad is an emergency education program of the Department of Education (DepEd) and Knowledge Channel Foundation, Inc (KCFI) to ensure that learning continues for Filipino children affected by crises or calamities.

This is aligned to the Sulong EduKalidad campaign of DepEd in working to improve the quality of basic education delivery in the country.

EduKalidad sa Kalamidad was initiated last January 2020 in response to the Taal eruption and is extended today to support children affected by the COVID-19 Enhanced Community Quarantine in Luzon and other areas.

May lessons ba kayong ipinapalabas para sa fourth quarter?
(Will you air fourth quarter lessons?)

Ang mga programang ipinalalabas ngayon sa Knowledge Channel ay naka-base sa 4th grading period.

Simula April hanggang May, muli nating ipapalabas ang mga programang ito para maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral kahit sila ay nasa bahay.

We are currently airing educational programs based on the 4th grading period of students.

Starting April to May, we will again air these programs so students can continue their studies at home.

Ano naman ang “Stay at Home, Learn at Home”?
(What is “Stay at Home, Learn at Home?”)

Ang “Stay at Home, Learn at Home” ay isang campaign ng Knowledge Channel kaisa ang ABS-CBN bilang pag-suporta sa COVID-19 Enhanced Community Quarantine ng pamahalaan.

Hinihikayat nito ang kabataan na manatili sa tahanan at ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng panonood ng Knowledge Channel.

“Stay at Home, Learn at Home” is a campaign of Knowledge Channel and ABS-CBN in supporting the COVID-19 Enhanced Community Quarantine of the national government.

This encourages children to remain at home and continue learning by watching Knowledge Channel.

Aprobado ba ng DepEd ang mga palabas ng Knowledge Channel?
(Are Knowledge Channel shows approved by DepEd?)

Ang mga napapanood ninyo sa Knowledge Channel ay aprubado dahil ito ay binuo kasama mismo ang DepEd. Ang mga videos ay base din sa K-to-12 curriculum ng DepEd.

The programs that Knowledge Channel air are approved by the Department of Education because these are produced together with DepEd, which are also based on their K-to-12 curriculum.

Paano makakapanood ng Knowledge Channel shows?
(How will I watch these Knowledge Channel shows?)

Mapapanood ang Knowledge Channel sa ABS-CBN TVplus at TVplus GO channel 7, SKYCable channel 5 at SKYdirect channel 12. Available din ang Knowledge Channel sa 130+ cable providers sa buong bansa.

Available din ang karamihan ng Knowledge Channel videos sa www.knowledgechannel.org, sa commons.deped.gov.ph at sa YouTube channel nito sa /knowledgechannelorg.

Knowledge Channel airs on ABS-CBN TVplus and TVplus GO channel 7, SKYcable channel 5, and SKYdirect channel 12. It is also available in over 130+ cable providers all over the country.

Mayroon ba kayong schedule ng mga palabas?
(Do you have a schedule of shows?)

I-like ang @knowledgechannel sa Facebook para regular na makatanggap ng ating episode guides.

To receive our episode guides, like and follow us on Facebook @knowledgechannel

May ABS-CBN TV Plus kami pero bakit walang Knowledge Channel?
(I have ABS-CBN TVplus but why is there no Knowledge Channel?)

Para sa mga may ABS-CBN TVplus, ang Knowledge Channel ay mapapanood sa channel 7 sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, at Cagayan de Oro lamang.

Sa mga lugar na wala pang Knowledge Channel, abangan ang updates sa Facebook page ng @knowledgechannelfoundation

For those with ABS-CBN TVplus, Knowledge Channel is available on channel in Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, and Cagayan de Oro.

For areas without Knowledge Channel, standby for updates by linking our Facebook page @knowledgechannelfoundation

Pwede ba ako manood ng Knowledge Channel shows sa internet?
(Can I watch Knowledge Channel online?)

Mapapanood din ang aming mga palabas online. Bumisita sa aming official website www.knowledgechannel.org o manood sa YouTube Channel  /knowledgechannelorg para sa mas marami pang curriculum-based videos.

You can watch Knowledge Channel videos online by visiting www.knowledgechannel.org or on YouTube at /knowledgechannelorg.

Kanselado ba ng mga activities ng Knowledge Channel Foundation (KCFI) dahil sa COVID-19?
(Are KCFI activities cancelled because of COVID-19?)

Bilang pagsunod sa Enhanced Community Quarantine ng pamahalaan, postponed ang lahat ng ating activities tulad ng turnovers, trainings, events at iba pa.

Ang mga empleyado rin ay naka- Work From Home (WFH) arrangement.

Patuloy na mino-monitor ng KCFI ang sitwasyon sa COVID-19 Pandemic at para sa updates, bumisita sa aming website www.knowledgechannel.org o sa Facebook pages ng /knowledgechannel at /knowledgechannelfoundation

In compliance to the Enhanced Community Quarantine of the national government, we are postponing all our activities including turnovers, trainings, events among others.

Our employees are also under Work From Home (WFH) arrangement.

We continue to monitor the COVID-19 Pandemic and for the latest updates, visit our website www.knowledgechannel.org and our Facebook pages /knowledgechannel and /knowledgechannelfoundation

Previous
Previous

Learning continues at home with Knowledge Channel

Next
Next

Sulong EduKalidad continues amidst COVID-19 Crisis