Kilos Kalikasan! Sa Mga Munting Paraan

Kilos Kalikasan: Pangangalaga ng Kalikasan sa mga Munting Paraan

NI AZRAEL ANDREW R. GONZALES

Ang kalikasan ang nagbibigay buhay sa atin. Kaya malaki ang tungkulin natin sa pangangalaga nito dahil tayo rin ang nakikinabang dito.

Mula sa wastong pagtatapon ng basura hanggang sa pagtatanim ng mga halaman, kahit sa munting paraan, maipapakita natin ang pagmamahal natin sa kalikasan. Ikaw, paano mo pinangangalagaan ang kalikasan sa iyong munting paraan?

Nagtanong kami sa netizens kung paano nila inaalagaan ang kalikasan sa kanilang munting paraan. Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:

Tama! Malaking bagay ang pagkakaroon ng disiplina. Disiplina sa’ting sarili at disiplina sa ating mga gawaing nakakaapekto sa kalikasan.

Ang mga munting paraan na ating ginagawa, kapag pinagsama-sama ay malaki ang epekto hindi lang sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating kalikasan kundi pati na rin sa kalusugan natin at ng ating mga alagang hayop.

Malaking bagay na alam ng lahat ang disiplina ng pagtatapon sa tamang tapunan. Ang mga maliliit na kalat na tinatapon sa kanal, kapag pinagsama-sama, maaaring magdulot ng matinding baha. Isang munting paraan na pwede nating gawin ay ang pagkakaroon ng proper waste management sa ating barangay at kabahayan.

Ang pagtatanim ay isang magandang paraan ng pangangalaga ng ating kalikasan. Tayong mga nagtanim nito ang isa rin sa makikinibang nito. Ika nga nila “kapag may tinanim, may aanihin”.

Marahil ay isa na ang pag-iwas ng pagsusunog ng plastik sa pinakamahalagang paraan ng pangangalaga ng ating kalikasan. Mahalaga ito dahil ang pagsusunog ng plastik ay napakamapinsala sa ating kapaligiran. Nakasisira ito ng ating ozone layer na nagpoprotekta sa’tin mula sa ultraviolet rays mula sa araw.  Kaya marapat lamang na atin itong iwasan.

Iba’t iba man ang ating mga paraan ng pangangalaga ng kalikasan ay paniguradong malaki ang dulot nito. Tayong mga tao rin ang nakikinabang dito kaya marapat lamang na pahalagahan na’tin ito. Ika nga ni Gina Lopez sa kaniyang guesting sa Magandang Buhay sa ABS CBN, “The world is not just physical [kaya ramdam] mo ‘yung [pagihirap ng iba]. You can feel the suffering of nature and so you know na kung sirain ang kalikasan, maraming tao [ang mahihirapan].

Previous
Previous

Saving Verde Island

Next
Next

Knowledge Channel applauds interns under new program