Kuwentong School at Home Releases Newest Feature for National Children’s Month

Basahin sa Filipino

As a tribute to the celebration for National Children’s Month, Knowledge Channel Foundation Inc., (KCFI) through Kuwentong School at Home (KSAH) releases a new story featuring Veronica Presto-Gumalo, an Early Childhood Development worker in Kidapawan City, North Cotabato. In 2019, their province was hit by a 6.5 earthquake, following the COVID-19 pandemic that hampered the learning of the children in Kidapawan. 

During the interview, she expressed her distress when calamity struck their town one after another, ceasing face-to-face classes along with the national implementation of distance learning. It made her want to give up, but her love for the children she cares for is immeasurable. According to Ma’am Veronica, she didn’t know how to carry on with the new set-up for the children’s education needs not long before Knowledge Channel came to their province. 

On February 22-24, 2021, KCFI in partnership with Early Childhood Care and Development Council (ECCDC), organized a 3-day training in Kidapawan on Early Childhood Care and Development (ECCD) for teachers, daycare workers, and parents. The goal of the seminar is to share new techniques and strategies, and teach them how to effectively execute new ways of teaching early education to children in an alternative venue in this time of distance learning.

Ma’am Veronica was one of the participants in the said training. According to her, she learned a lot of things during their seminar and one important topic she mentioned is the Center-based Programs Conducted in an Alternative Venue (CBPAV). The overview of this program is the organization of weekly visitations of the teachers and/or daycare workers in an alternative venue, where they demonstrate and explain the week’s activities to the parents. Hence, the learning outcomes are monitored through an assessment from the teachers and/or daycare workers.

Furthermore, Ma’am Veronica has been teaching children for almost 18 years. Right now, she has been earnestly working along with the parents through the help of the video externals provided by KCFI to ensure that the educational needs of the children in their town during this distance learning are met. She emphasizes the importance of delivering the right education designed at a certain age of a child and that it should not be disregarded.

Moreover, she thanked KCFI for the training that helped her cope up with her worries and reminded her to continue her passion to teach children and help them get the right education that they deserved. 

“Pag training namo, na open imong mind, na refresh ang tanan. Ang sadness nga nag-agi is napulihan og encouragement, happiness. Naghatag og strength para another power para i-ecounter na pud ang another day, another challenges para mag impart og learning para sa mga bata pina-agi sa Knowledge Channel,” she said.

(Through Knowledge Channel and the training, it feels like everything refreshes and I become more aware. The sadness I felt was replaced with encouragement and happiness. [The training] gave me strength to conquer new challenges and continue to impart learning to the kids.)  

[Story by Fatima Mae Labe]

FILIPINO

Upang bigyang daan ang selebrasyon ng National Children’s Month, naglabas ang Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) ng panibagong Kuwentong School at Home tampok ang Early Childhood Development worker na si Veronica Presto-Gumalo, taga-Kidapawan City, North Cotabato. Matatandaan na noong taong 2019 ay niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang kanilang lugar na sinundan naman ng pagtama ng COVID-19 sa buong bansa na lubos na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga bata sa Kidapawan.

Ibinahagi ni Ma’am Veronica ang kanyang dalamhati at pag-aalala nang magkaroon ng sunod-sunod na krisis ang kanilang probinsya dahilan upang ihinito ang mga klase sa mga paaralan kabilang na ang mga daycare centers at ang malawakang implementasyon ng distance learning. Naisipan niyang sumuko, subalit nangibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para sa mga bata. Ayon sa kanya, bago dumating ang Knowledge Channel sa kanilang lugar, wala siyang ideya kung paano itataguyod ang pag-aaral ng mga bata sa panibagong sistema ngayong New Normal. 

Samantala, noong ika-22 hanggang ika-24 ng Pebrero, taong kasalukuyan ang KCFI katuwang ang Early Childhood Care and Development Council (ECCDC) ay nagdaos ng tatlong araw na pagsasanay para sa mga guro, daycare workers, at mga magulang sa Kidapawan. Layunin ng seminar na magbahagi ng mga makabagong pamamaraan at estratehiya sa kung paano isinasagawa ang tama at angkop na pagtuturo ng Early education sa mga bata sa mga alternatibong lugar ngayong panahon ng distance learning.

Kabilang si Ma’am Veronica sa mga naging kalahok sa nasabing pagsasanay. Para sa kanya, ang pinakamahalagang natutunan niya mula sa training ay ang Center-based Programs Conducted in an Alternative Venue (CBPAV). Ang diwa ng programang ito ay ang pagsasagawa ng mga linggu-linggo na pagbisita ng mga guro o kaya’y mga daycare workers sa mga alternatibong lugar upang ipaliwanag at ipakita sa mga magulang ang mga modyuls at aralin ng kanilang mga anak. Kaugnay nito, ang pag-unlad ng mga bata sa kanilang mga gawain ay sinubaybayan sa pamamagitan ng pagtatasa.  

Si Ma’am Veronica ay higit labing-walong taon ng naglilingkod bilang daycare worker. Siya ay nagpapasalamat sa KCFI mula sa isinagawang training na naging daan upang manumbalik ang kanyang sigla at pag-asa na ipagpatuloy ang kanyang pagmamahal sa pagtuturo ng mga bata. Nagpasalamat din siya mula sa ibinigay na video externals ng KCFI na kanilang ginagamit sa mula sa koordinasyon din ng mga magulang upang masigurong naibibigay ang tamang edukasyon para sa mga bata. Mariin niyang inihayag ang kanyang sentimyento sa kahalagahan ng edukasyon sa bawat edad ng isang bata at ito ay dapat na hindi pinapabayaan. 

“Pag training namo, na open imong mind, na refresh ang tanan. Ang sadness nga nag-agi is napulihan og encouragement, happiness. Naghatag og strength para another power para i-ecounter na pud ang another day, another challenges para mag impart og learning para sa mga bata pina-agi sa Knowledge Channel,” aniya.

(Nong training namin nabuksan at na refresh ang aking pag-iisip. Ang kalungkutan na dumaan ay napalitan ng encouragement, kasiyahan. Nagbigay ito ng lakas para salubungin ko ang panibagong araw, panibagong hamon sa pamamagitan ng Knowledge Channel.)

Previous
Previous

61% of Basa Bilang Kids Now Better in Oral Reading

Next
Next

Kapamilya Stars support Knowledge Channel’s return to digital TV!