Kapamilya Stars support Knowledge Channel’s return to digital TV!
BY ANTHON DE LOS SANTOS
Kapamilya stars Maymay Entrata and Enchong Dee, as well as Educ-creators Lyqa Maravilla and Dr. Peter Esperanza, celebrated Knowledge Channel’s return to digital TV on their Instagram accounts this World Teachers’ Day.
The channel will broadcast video lessons from 6AM to 11PM daily where children, parents, and teachers can watch educational shows featuring Maymay Entrata, Enchong Dee, and Kuya Robi Domingo.
Catch Maymay Entrata alongside Khalil Ramos become nature advocates in “Puno ng Buhay”. The program focuses on forest protection and conservation.
Stay tuned to “AgriCOOLture” with Enchong Dee to discover different aspects of agriculture such as Crop Production, Poultry, Agri-preneurship, Fishery Arts, and many more.
The math lessons never stop with “MathDali” and its host Kuya Robi Domingo along with his barkada led by Igi Boy Flores, Joj and Jai Agpangan, and Vic Robinson. MathDali is an educational show designed to teach children basic Mathematics in simple ways.
The channel will also broadcast online shows featuring Coach Lyqa Maravilla (Team Lyqa) and Dr. E (Numberbender) as part of its regular programming.
Along with its return to black boxes, the Knowledge Channel also expressed gratitude to all the teachers who continue to dedicate themselves to their profession and educate their students in the midst of the pandemic.
FILIPINO
Ipinagmalaki nina Kapamilya stars Maymay Entrata at Enchong Dee, pati na rin ang YouTube Educ-creators na si Lyqa Maravilla at Dr. Peter Esperanza, sa kanilang mga Instagram accounts ang pagbabalik ng Knowledge Channel sa digital TV nitong World Teachers’ Day.
Ipapalabas ang mga video lessons ng Knowledge Channel mula 6AM hanggang 11PM kung saan maaari nang mapanood ng mga bata, magulang, at mga guro ang mga educational shows ni Maymay Entrata, Enchong Dee, at Kuya Robi Domingo.
Subaybayan si Maymay Entrata, kasama si Khalil Ramos, bilang mga tagapagtaguyod ng kalikasan sa “Puno ng Buhay”. Ang programang ito ay tungkol sa pangangalaga sa kagubatan at kung paano ito mapoprotektahan.
Abangan naman ang “AgriCOOLture” kasama si Enchong Dee para matuklasan ang ib’at-ibang aspekto ng agrikultura tulad ng Crop Production, Poultry, Agri-preneurship, Fishery Arts, at iba pa.
Patuloy pa rin ang math lessons sa “MathDali” kasama si Kuya Robi Domingo at ang barkada niya na pinangungunahan ni Igi Boy Flores, Joj and Jai Agpangan at Vic Robinson. Ang MathDali ay nagtuturo ng matematika sa kabataan sa mas madaling paraan.
Masusubaybayan din ang mga online educators na si Coach Lyqa Maravilla (Team Lyqa) at si Dr. Peter Esperanza (Numberbender) sa mga pang-araw-araw na programa.
Kasama ng pagbabalik nito sa telebisyon, nagpaabot din ng pasasalamat ang Knowledge Channel para sa lahat ng mga guro na patuloy tumutulong at nagsasakripisyo para magbigay ng kaalaman sa kanilang mga estudyante sa gitna ng pandemya.