Mga dapat alamin bago pasukin ang pagpapamilya


Kapag nasanay ka na lalo na nakikita mong lumalaki na yung anak mo sa tabi mo masasabi mo na lang sa sarili mo na ang sarap rin pala maging nanay. Isa pa yung kung paano ko na pakitunguhan yung mga magulang ko, mas malapit na kami sa isa’t-isa simula nang manganak ako kaysa noon.
— ‘Maria’, teenage mom

Ang pag kakaroon ng sariling pamilya ay walang dudang masaya at puno ng kulay. Ngunit ito ay dapat lubos na pinaghahandaan at hindi basta-basta pinapasok lalo na kung ikaw ay wala pa sa wastong gulang.

Tulad ni Maria, dumarami na rin ang bilang ng mga dalagang ina sa bansa na dapat nating ikabahala. Batay nga sa datos ng Philippine Statistics Authority, mayroong humigit kumulang na 196,000 na edad 15-19 years old ang nag-dadalang tao taon-taon.

Humigit kumulang 500 teenage girls ang nanganganak araw-araw, dahilan na din sa patuloy na pag taas ng populasyon sa ating bansa at pagtaas na rin ng poverty rate. Kaya ganoon na lamang ang walang sawang pag-papaalala sa mga kabataan tungkol sa paksang ito.

Kaya bago pasukin ang buhay ng pagiging ina,dapat isa-alangala ang mga sumusunod:


  1. Malaking gastusin.
    Ang pagkakaroon ng sanggol ay dapat pinaghahandaan. Kailangan ng malaking halaga para sa mga pangangailang ng bata. Nariyan ang damit,pagkain,diaper, vitamins o gamot at monthly check-up.

  2. Mabigat na Responsibilidad
    Ang atensyon na dapat ilaan sa isang sanggol ay hindi basta-basta. Ang araw ng isang magulang ay nailalaan sa pag aalaga ng sanggol, maisasakripisyo rito ang mga pang sariling libangan.

  3. Matinding Sakripisyo
    Ang pagkakaroon ng anak ay hindi madali at hindi biro. Kakailanganin mong unahin ang kapakanan ng iyong anak kaysa sa iyong sarili. Madalas mo ring maisasakripisyo ang iyong oras ng pagtulog para sa pagpapa-tahan ng iyong anak sa gabi.


Binuo ng Knowledge Channel at Philippine Center for Population and Development ang 2019 Sinebata winner na Kuwentong Kartero “Teenage Dream or Nightmare” episode na tumatalakay sa Teenage Pregnancy. Layunin nito na magbigay paalala sa mga kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis.

WATCH | Kuwentong Kartero | Teenage Dream or Nightmare

Sa episode na ito ay bumida si Janna, gaya ni ‘Maria’ isang siyang teenager na kasalukuyang dumadaan sa parte ng kanyang buhay kung saan gusto nyang subukan at pasukin ang iba’t ibang mga bagay kagaya ng pag aasawa at pagiging ina.

Sa una ay hindi tinanggap ni Janna ang mga payo na ibinigay sa kanya ng kanyang Tito Popo at Divina ngunit sa huli, napag isip-isip ng dalaga na ito ay makabubuti para sa kanya.


Bilang first time mom at bilang teenage mom noong una hanggang tatlong buwan sobrang hirap syempre nag-aadjust ka. Una hindi ko matanggap bukod sa nag-aaral pa ko nung panahon na yon, isa pa dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko pati na rin sa ate ko…… mga magulang ko malapit na yata ako manganak noon bago pa nila natanggap.


Gaya nga ng sabi ni Maria, hindi madali ang pagkakaroon ng anak lalo na kung hindi ka pa handa at wala pa sa wastong gulang, kakailanganin mo ang matinding pag-aadjust.

 Kaya ganon na lamang ang walang sawang paalala satin na makinig sa mga pangaral at payo ng ating mga magulang at maging matalino sa mga desisyon na gagawin. At makakasama na rin ng mga kabataan ang Knowledge Channel na walang tigil na nag babahagi ng mga kaalaman sa buhay sa pamamagitan ng mga programa kagaya ng Kwentong Kartero.

Isinulat ni Tristan Joy Manalili

Previous
Previous

Mga adventures na pinya-saya sa Bukidnon!

Next
Next

Knowledge Channel and “It’s Showtime!” honour teachers