Salam: Bagong Kaibigan

Panahon na naman ng pasukan! Bukod sa bagong kaalaman na ihahatid sa atin ng paaralan, marami sa atin ang sabik na sabik na makakilala ng mga bagong kaibigan. Ang mga classmate na kaibigang makakasama mo tuwing recess, tanghalian, at uwian. Kahit makakuwentuhan man lang tungkol sa mahaba-haba niyong bakasyon. Pero paano ba kaya makikitungo sa isang bagong classmate na may ibang paniniwala sa relihiyon?

Hindi natin maikakakaila na minsan na maging alangan sa bagong kilala nating kasamahan. Ito mismo ang naramdaman ni Ian. Hindi niya mapigilan sa pagkuwento ng kaniyang pagdududa kay Jay ang kaniyang sariling pagtingin kay Rashid bilang Muslim. Tuklasin natin ang isang kuwento tungkol sa pagtanggap, pagrespeto, at pagkilala sa isang kaibigan maiba man ang relihiyon o paniniwala. Samahan natin sina Ian at Jay at tingnan kung paano sila namulat sa kulturang Islam na kinalakihan ni Rashid at kung paano nila natutunang respetuhin ang paniniwala ng kanilang bagong kabigan. 

Isinulat ni Chantale Francisco 

Previous
Previous

KCFI joins Higher Education Forum on Lifelong Learning

Next
Next

Knowledge Channel Presents: Cross Dissolve