School at Home block on Kumu starts August 2
In preparation for school year 2021-2022, Knowledge Channel’s livestreaming programs will be made available on Facebook Live and Kumu.
After a successful run of “School at Home” last school year and earning the top recognition of “Best CSR Project in Education” from the 2021 League of Corporate Foundations – CSR Guild Awards, Knowledge Channel is getting ready for another year of fun learning at home. Its list of livestreams will now form the new “School at Home” block that will be available on Facebook Live and Kumu every 11 AM on weekdays.
Monday is Filipino Day as Teacher Michelle continues her storytelling and art activities in Wikaharian Online World. Tuesday is with Team Lyqa as she teaches learning tips and hacks. Wednesday is a back-to-back livestream of Kuya Kim Atienza’s Knowledge on the Go followed by Math Talks with Robi Domingo. Thursday is for Money Lessons with FQ Mom and Sons. Friday is for creativity with Art Smart with Teacher Precious.
Starting August 4, MathDali Live host Robi Domingo will also be treating Knowledge Channel classmates with a new show format called Math Talks, a weekly livestream talk show inviting different personalities and edu-creators to discuss how math has helped them in their lives.
Art teacher Precious Gamboa also returns to continue her Art Smart program, this time focusing on teaching art at home for parents and teachers starting July 30.
Danie Sedilla-Cruz, Channel Manager and Content Head for livestreams of Knowledge Channel shared that these livestreams will help teachers, parents, and students as they face another school year in lockdown. “Knowledge Channel as a support to the initiative of the Department of Education would definitely help the gap. But at the same time, Knowledge Channel has its own initiative over in above of what [the] DepEd is doing.”
“Lahat ng maitutulong natin para sa edukasyon ng mga kabataan ay napaka importante niyan. And we know and we’ve proven that if partnered in likeminded entities we create great impact to our stakeholders and our audience,” she added.
All livestreamed content will also be uploaded on Knowledge Channel’s YouTube for those who want to catch up with the latest lessons.
Follow Knowledge Channel on facebook.com/KnowledgeChannel and youtube.com/knowledgechannelorg
FILIPINO
Bilang paghahanda sa darating na akademikong taon 2021-2022, ang mga livestreaming programs ng Knowledge Channel ay magiging available sa Facebook Live at Kumu.
Matapos ang matagumpay na pag-ere ng “School at Home” nitong nakaraang pasukan at ang natamong pagkilala nito bilang “Best CSR Project in Education” sa 2021 League of Corporate Foundations – CSR Guild Awards, pinaghahandaan naman ng Knowledge Channel ang panibagong taon ng kasiyahan sa pag-aaral sa bahay. Ang mga listahan ng livestreams ay ang bubuo ngayon sa bagong block ng “School at Home” na available sa Facebook Live at Kumu tuwing 11 ng umaga anumang araw mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang Lunes ay nakatakda para sa Filipino kasama si Teacher Michelle kung saan ipagpapatuloy ninya ang pagkukuwento at ang mga aktibidad sa sining sa Wikaharian Online World. Si Team Lyqa ang matutunghayan sa Martes na siyang magtuturo ng mga tips sa pag-aaral. Mapapanuod naman sa Miyerkules sina Kuya Kim Atienza para sa Knowledge on the Go na susundan ng Math Talks kasama si Robi Domingo. Sa Huwebes, Money Lessons kasama ang FQ Mom and Sons habang ang Biyernes ay Art Smart kasama si Teacher Precious.
Simula Agosto 4, panibagong palabas ang pangungunahan ni Robi Domingo sa programang MathDali presents Math Talks. Ito ay lingguhang talkshow kasama ang iba’t ibang personalidad at edu-creators upang talakayin kung papaano nakatulong ang Matematika sa buhay nila.
Magbabalik naman si Teacher Precious Gamboa upang ipagpatuloy ang programang Art Smart ngunit pagtutuonan ninya ng pansin ngayon ang pagtuturo ng sining sa bahay para sa mga magulang at guro simula Hulyo 30.
Ayon kay Danie Sedilla-Cruz, Channel Manager at Content Head para sa livestreams ng Knowledge Channel, ang mga livestreams na ito ay makakatulong sa mga guro, magulang, at mag-aaral sa isa pang taong pag-aaral habang naka-lockdown. “Knowledge Channel as a support to the initiative of the Department of Education would definitely help the gap. But at the same time, Knowledge Channel has its own initiative over in above of what [the] DepEd is doing, aniya.”
Dadag niya, “Lahat ng maitutulong natin para sa edukasyon ng mga kabataan ay napaka importante niyan. And we know and we’ve proven that if partnered in likeminded entities we create great impact to our stakeholders and our audience.”
Ang lahat ng livestreamed content ay i-uupload sa Knowledge Channel YouTube para sa mga nais makapanuod sa pinakabagong aralin.