Street Art: Sining or Bandalismo?
NI AZRAEL GONZALES
Bilang selebrasyon ng National Arts Months ngayong February, binibigyang alaala at pagkilala natin ang iba’t ibang forms of art. Mula sa pagpipinta, pelikula, musika, panitikan, at iba pang larangan. Hindi nga maikakaila na buhay ang ating kultura dahil sa sining.
Pero pagdating sa “street art o graffiti”, maituturing ba ito bilang sining o isang uri ng bandalismo? Sinasabi na kasama na sa kultura natin ang “street art” kung saan pinipintahan ang mga pader ng mga gusali at iba pang mga istruktura. Ang mga makukulay na larawan na madalas na nakikita sa daan ay tunay na agaw pansin. Kadalasan pa nga, bumibida ang mga ito sa social media. Pero minsan naman, ito ay nagdudulot ng perwisyo at inis sa ilang mga mamamayan.
Kaya ang Knowledge Channel team ay nag-interview ng 14 na katao para malaman ang opinyon nila sa usaping ito. Narito ang ilan sa sinabi nila:
Jeremi Flores- 4th year PUP-AB Theatre Arts student
“Syempre para sa akin art talaga ‘yon. Nasa pangalan na niya nga eh, ‘street art’. Basta as long as iyong mga pinipinta ng mga gumagawa noon sa kalye ay hindi nakakasagabal o mayroong mensaheng ipinaparating sa tao which is the pillar or the main definition of art naman talaga eh pro ako doon.”
Raymart Argarin- 4th year PUP- BABRC student
“Para sa akin ang street art ay maituturing pa rin na art kasi it’s an expression of oneself. Regardless kung anuman ang pino-portray nito, as long as napapakita o nasasalamin nito ang art ng isang tao, it is still considered as art.”
Kuya Mar- Taho Vendor
“Dinu-dumihan lang ‘yan. Dumi lang ‘yan sa pader. Kasi dito eh pinapagalitan rin iyang mga ‘yan.”
Christian Bern Solano- Intern at Knowledge Channel
“Bilang isang artist, isa siyang form of art. Pero technically, at the same time is vandalism din siya. Depende rin kasi sa context eh, kung private property ang inaanuhan nila, vandalism. Pero kung ‘yong pader is wala namang nagmamay-ari, okay lang naman iyon.”
Aaron James R. Antinero, 19
“’Yung street art considered siyang art kasi una sa lahat, ‘yung street art ginagawa siya with permission, may permit. Kapag kunwari gagawa ka ng mural sa mga wall may permission ‘yun dun sa owner nun wall hindi kagaya ng vandalism. ‘Yun yung parang, ang mga gumagawa nun e ‘yun mga illegal. Tapos ‘yun street art makikita mo rin ‘yun difference niya from vandalism kasi ‘yun street art may pinoportray na message then may certain theme hindi kagaya ng vandalism.”
Cerize Anne Dela Cruz, 19
“You can say that street art is considered as art. Even back then, art has always been a form of expressing social and political opinion. So I guess even the act of breaking a law, like committing vandalism is enough itself to an act of form of activism.”
Denzel Daive O. Glodoviza, 21
“’Yung street art kasi for me ay isa siyang form of art. Kasi doon din minsan na eexpress ‘yung ‘di ba halimbawa minsan walang pambili ng art materials, parang don na lang siguro gumagawa ng canvass. At the same time, vandalism siya kasi sa other countries kasi ‘di ba against the rule ‘yun pag gawa ng street art.”
Hayden Patulot, 19
“Street art or graffiti often times considered vandalism because it creates aesthetics that damages space, either public or private property. However, if permitted, we cannot consider it as vandalism. Although it defaces properties and while others think it’s bad, street art adds something, aesthetically or conceptually. This sort of art may be funny or will make you think one way or another. It can also raise awareness to certain causes. Or just a full blown artistic work that adds up beauty to the place.”
At ang final verdict? 7 sa aming na-interview ay sangayon na isang uri ng sining ang “street art” habang 3 naman ay tinuring ito bilang bandalismo. 4 naman ay nagsabi na depende ito sa sitwasyon.
Kung ilalagay mo ito sa isang debate ay paniguradong lalong hahaba ang usapin dahil sa iba’t ibang opinyon ng mga tao pero kung pagbabasehan natin ang depinisyon ng Vandalism, sinasabi ito bilang “act of deliberately destroying or damaging property.” Dito pa lang ay masasabi nang nasa layunin ng tao o ng street artist ang makatutukoy kung ito ay simple form of art o isang vandalism.
Sa patuloy na pagdami ng mga talentadong street artist sa bansa ay paniguradong pwedeng pwede itong maipagmalaki sa buong mundo, lalo na kung gagamitin sa tama.
with interviews from Nizza Armamento and Elna Santana