Teacher Rhea and AIS Receive Knowledge TV Through Virtual Surprise
As part of the 22nd Anniversary of Knowledge Channel, a virtual surprise event called “Gift of Knowledge AnniverSAYA: Surpresa para sa Acereda” was organized by the Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) for Teacher Rhea Alo and Acereda Integrated School, last October 22, 2021. KCFI donated a Knowledge TV package to provide assistance in their community viewing stations in Bobon, Northern Samar.
Teacher Rhea was the first-ever featured story in the newest program of Knowledge Channel called Kuwentong School at Home (KSAH) that aired its pilot feature last September 13, 2021, in celebration of World Teachers Month.
During the virtual event, Teacher Rhea was feeling emotional because of the unexpected surprise from KCFI, which was made possible through the teamwork of her co-teachers, spearheaded by their school Principal, Dr. Analynne Balero. Tearfully, she expressed her gratitude to everyone in KCFI for the gift that her students need to continue their education during the pandemic.
AIS received a Knowledge TV and an external hard drive loaded with more than 1,500 Deped aligned curriculum based educational videos, games and session guides. These video lessons serve as a supplement to the self-learning modules of students in distance learning.
Her story of hope, perseverance, and dedication as a teacher has inspired a lot of people, including Ms. Rina Lopez, President and Executive Director of Knowledge Channel who led the donation initiative for Acereda Integrated School.
Lopez, in her message during the virtual surprise, emphasized her admiration and acknowledgment on the efforts of Teacher Rhea and by making Knowledge Channel become part of her remarkable commitment to teaching. “Ang Knowledge Channel Foundation ay nagpapasalamat at nagagalak sa inyong pagbahay-bahay gamit ang aming Knowledge Channel Video lessons, para makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan ngayong panahon ng pandemya.” Lopez said.
Looking back at Teacher Rhea’s moving statements during her interview for Kwentong School at Home, she mentioned the insurmountable problem in her town, where students are struggling to keep up with online learning because of the lack of gadgets and poor internet connectivity. Because of this, they initiated the “community viewing stations” where they have to carry televisions across areas and barangays to conduct a lesson through the educational videos of Knowledge Channel.
Meanwhile, the virtual surprise was also attended by the employees of KCFI, along with their President and Mr. Edric Calma, the Director for Operations. Also present in this event is the Acereda Integrated School faculty who assisted in making the virtual surprise successful for Teacher Rhea.
Throughout the 22 years of Knowledge Channel’s vision of a transformative learning to Filipino children, it will continuously serve its commitment to help through its projects, together with the help of its various stakeholders in providing education and assistance to children, teachers, and communities across the country.
[Story by Fatima Mae Labe]
FILIPINO
Bilang parte ng ika-22 na pagdiriwang ng Knowledge Channel, isang virtual event na “Gift of Knowledge AnniverSAYA: Surpresa para sa Acereda” ang inorganisa ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) noong ika-22 ng Oktubre, upang bigyang pugay si Teacher Rhea Alo at ang mga kaguruan ng Acereda Integrated School (AIS). Bahagi nito ay ang pagbibigay ng KCFI ng Knowledge TV na may kasamang hard drive para sa pagpapatuloy ng programang Community Viewing Stations ng AIS sa Bobon, Northern Samar.
Sa paglulunsad ng Kuwentong School at Home, ang kuwento ni Teacher Rhea Alo ang unang naging bahagi nito. Umire ang kanyang istorya noong ika-13 ng Setyembre bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Teachers Month.
Sa Kuwentong School at Home, ibinahagi ni Teacher Rhea ang problemang kinakaharap ng kanilang mga estudyanteng hindi makasabay sa distance learning ngayong pandemya dahil sa kakulangan ng kakayahang bumili ng gadgets at mahinang internet connectivity. Dahil dito, inilunsad ng AIS ang programang community viewing stations sa iba’t ibang komunidad habang pinapanood ang mga Knowledge Channel videos upang tugunan ang pangangailangang kaalaman ng mga bata.
Ang AIS ay tumanggap ng isang Knowledge TV at isang external hard drive na mayroong higit sa 1,500 na mga educational videos, mga laro, at session guides na nakahanay sa DepED curriculum. Ito ay nakakatulong upang mapunan ang mga kaalamang kailangan ng mga estudyante bukod sa mga modules ngayong panahon ng pandemya.
Habang isinasagawa ang virtual surprise, hindi napigilan ni Teacher Rhea ang kanyang emosyon. Maluha-luha niyang pinasalamatan ang KCFI at ang mga bumubuo nito para sa regalong handog para sa kanyang mga estudyante at sa buong Acereda.
Naging inspirasyon at simbolo ng pag-asa, tiyaga, at dedikasyon ang kuwento ni Teacher Rhea ngayong panahon ng distance learning. Kabilang sa mga humanga sa kanya ay si Rina Lopez, President at Executive Director ng KCFI, na siyang nanguna sa inisyatibang ito.
Para kay Lopez, “ang Knowledge Channel Foundation ay nagpapasalamat at nagagalak sa inyong pagbahay-bahay gamit ang aming Knowledge Channel Video lessons, para makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan ngayong panahon ng pandemya.”
Samantala, dumalo rin sa virtual surprise ang mga empleyado ng KCFI, kasama ang Presidente ng KCFI at ang Director for Operations na si Mr. Edric Calma. Naging posible ang virtual surprise dahil sa patuloy na pagtutulungan at pagsisikap ng bawat isa.