WOW Arts! Celebrate Arts Month Sa WOW Museums

BY ELNA MAY SANTANA

EDITED BY NINA SHERIZZE DE SAGUN

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Southeast Asia na talaga namang may maipagmamalaking makulay na pinagmulan. Bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang paglago ng ating kultura bilang mga Pilipino, patunay na rito ang mga artifacts, sculptures, paintings at iba pang mga tinatampok sa mga art exhibits sa iba’t ibang museums sa bansa.

Bilang paggunita sa Arts Month ngayong buwan ng Pebrero, alamin natin ang iba’t-ibang mga recreational and educational landmarks na maaari nating puntahan upang mas kilalanin pa ang mayamang kultura ng bansa. Sa episode na ito ng “Wow Museums” kasama si Edric Calma, makikita natin ang angking ganda ng ating kasaysayan. Swak na sa budget, magbibigay pa sa atin ng dagdag na kaalaman!

LOOK: Mga historical pieces na tulad nito ay matatagpuan sa Lopez Museum

Glimpse of the Past

Nagsimula ang kanyang paglalakbay sa buong Kamaynilaan sa Museum of the Filipino People na tampok sa National Museum. Narito ang mga kasangkapang ginamit ng ating mga ninuno mula pa noong unang panahon. Sa National Museum din matatagpuan ang iba’t-ibang likhang sining ng ating mga sikat na pintor at iskultor, pati na rin ng ating mga kilalang bayani. Ito naman ay matatagpuan sa National Art Gallery sa Main Building ng museum.

Pinuntahan din niya ang Intramuros na tinatawag ding, Living Museum of the Philippines, dahil ang buong lugar ay hitik na hitik sa kasaysayan at talaga namang patuloy na nakamamangha ang mga arkitektura at iba’t ibang kwentong nakapalibot sa lugar. Dito natin matatagpuan ang Fort Santiago, Manila Cathedral at Bahay Tsinoy.

Mayroon ding matatgpuang historical museum sa lungsod ng Pasig.

Kung wala ka namang panahong bumisita sa isang museo, mayroon din namang tinatawag na “online museums” na matatagpuan sa internet.

Culture Meets Religion

Hindi rin naman pahuhuli ang UP Asian Center Museum (Institute of Islamic Studies) at ang UST Museum kung saan naman natin maaaring makita ang iba’t-ibang educational art exhibit ukol sa dalawang sikat na relihiyon sa bansa, ang Islam at ang Roman Catholic.

Art, Science and Heritage

Kung mahilig ka naman sa mga unique finds ‘di pahuhuli ang Lopez Museum and Library, Bangko Sentral ng Pilipinas’ Money Museum at Meralco Museum. Kung ikaw naman ay mahilig sa Science at iba pa ay maaari mo ring bisitahin ang Planetarium sa Luneta at ang Philippine Science Centrum sa Marikina, at ang UST Museum na may iba’t-ibang preserved animals na gamit ng kanilang mga estudyante ng Medicine sa kanilang pag-aaral.

Tunay ngang mapapa-wow ka sa iyong mga babauning mga bagong kaalaman tungkol sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. So, what are you waiting for? It really is more fun in Philippine Museums! And definitely, more fun in the Philippines!

Watch this episode of Wow Museums and more by visiting Knowledge Channel on Youtube 

WATCH: Wow Museums kasama si Edric Calma

Previous
Previous

Region VI Teachers and Principals Trained on Effective Teaching Strategies and Psychological First Aid through LEEP-PFA

Next
Next

Wow Travel Special: 4 End of Summer Destinations